Takipsilim
Alam kong marami ka pang bagay na hindi naiintindihan
Ako naman, komplikado't maraming dinadahilan
Nakagawian ko nang igawan at bigyan ka ng tula
Tinagalog ko lamang ngayon para maiba naman.
Wala akong ibang hinihingi mula sa iyo
Kung hindi ang basahin mo lamang ito
Marinig mula sa iyo ang totoo
Baka maaari kasing maalis na itong nararamdaman ko.
Alam mo naman ang nararamdaman ko, hindi ba?
O malabo pa rin ba sa'yo o sa iyo'y balewala lang talaga?
Sasabihin ko na lang ulit sa'yo sakaling nakalimutan mo
Ikaw pa lang ang nakapagpasaya sa'kin ng sobra sa buong buhay ko.
Malamang alam mo na rin kung gaano ako kaselosa
Lalo na kapag pinapakita mong wala na lang ako kung hindi itsapwera
'Di ko naman pwedeng pakialamanan kung anong gusto mo
Kaya lagi, umiiwas na lamang ako.
Ayokong makita mong mahina ako
Lalo na kapag nasasaktan mo ako
Kaya ako na lang ang lumalayo't nagtatago
Umiiyak mag-isa sa walang katuturang nararamdaman ko.
Nasasaktan na talaga ako't hindi ko maintindihan
Kung ikaw ba ang may ayaw na sa'kin anumang dahilan
Hindi ko na maalala kung sino ang unang lumayo
Kung sino ang nagsimula ng lahat... ikaw ba o ako?
Pasko na at nalulungkot ako
Dahil hindi ako ang ngayo'y kasama't nasa tabi mo
Pero kung maghanap ng bago ang desisyon mo
Sabihin mo nang deretso sa'kin at tatanggapin ko.
'Di ko na kayang tumingin ng deretso sa mga mata mo
'Di na gaya nang dati, masakit din kasi 'pag ginawa ko.
'Di ko rin alam kung anong nasa isip mo
Kung huling tula na ba itong gagawin ko para sa'yo.
Kung wala na talaga o ayaw mo na
Itapon mo na lamang itong tulang ito sa dagat, sa harap ko.
Kung yun na ang talagang desisyon mo
Siguro mahihirapan ako pero ito'y iintindihin ko.
Kung kaya ko lang burahin lahat ng memoryang ito
Na akala ko ay maitatago ko't mapapanatiling kasiyahan ko
Ngunit sadyang mali nga lamang ba ako
Dahil habang tumatagal, lumalalim lalo ang sugat na naiwan dito sa puso ko.
Habang sinusulat ko ito, naalala kong ikaw ay bata lamang
Marami pang hindi alam at hindi naiintindihan
Pakiramdam ko tuloy walang kabuluhan ito
At hindi mo pa kayang intindihin ito gaya ng gusto ko.
Sana malaman ko kung tapos na nga ba tayo
Kung galit ka o ikaw ay nalilito
Tinapon ko na ang pride ko para isulat at umamin sa'yo
Kaya sana sabihin mo sa'kin kung ano ang nasa isip mo.
8 comments:
can't understand this :(
but i'm sure it's beautiful
The poem's in Tagalog, Philippine's national language.
It's just a message that I wanted to tell him, you know who... but I didn't have the guts to give to him the last time we met which was Christmas eve because I realized that he just won't understand.
But what did it say then?
Did you guys just, like, ignore each other then?? o.O=
I started it. I ignored and pushed him away, it was the only way.
Reading my last comment, I think I just said something more confusing. XD
lol nah, not really :P i guet it
p.s. i missed you <3 it's nice to hear from you again (:
Missed ou, too. Are you still active on GR?
karen :P galing mu tlaga :)) proud ako dhil bestfriend kita :))ingats k lge ah :) imissyou :))
Post a Comment